PASARING
may pasaring muli ang komikero
hinggil sa senaTONG na nakakulong
di raw magtatagal sa kalaboso
dahil sa kaytinding agimat niyon
aba'y nagbiro pa si Mambubulgar
sapul na sapul ang pinatamaan
masa'y batid agad ang ibinulgar
dahil headline naman sa pahayagan
ngunit agimat ba'y tatalab kayâ
sakaling siya'y makalaya agad?
paano ang hustisya sa binahâ?
dahil sa ghost flood control, anong bigat!
o agimat ay sa pelikula lang?
at di sa kurakot na puso'y halang?
- gregoriovbituinjr.
01.21.2026
* mula sa pahayagang Bulgar, Enero 21, 2026, p.3
Miyerkules, Enero 21, 2026
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bunbu ichi
BUNBU ICHI (Bunbu ichi - pen and sword as one) tila pluma'y kaytalas talaga sintalas ng kris o ng espada kayâ patuloy lang sa pagkathâ a...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento