Lunes, Enero 26, 2026

Bunbu ichi

BUNBU ICHI
(Bunbu ichi - pen and sword as one)

tila pluma'y kaytalas talaga
sintalas ng kris o ng espada
kayâ patuloy lang sa pagkathâ
ang tulad kong kwentista't makatâ

sa pagsusulat ng minimithi
ay gamit ang Hapong bunbu ichi
yao'y pinag-isang pluma at kris
na parang lintik kung humagibis

matalas ang mga sinusulat
na sa masa'y nakapagmumulat
parang tinamaan ng palasô
ang diwa't puso'y pinagdurugo

paumanhin kung ika'y umaray
pagkat sa masa ang tula'y tulay
ko upang ako'y maunawaan
at sila'y aking maunawaan

- gregoriovbituinjr.
01.26.2026

* litrato mula sa google
* The saying most commonly associated with the samurai class is “bunbu ichi” or “pen and sword, as one.” https://www.thecollector.com/medieval-knights-vs-samurai-warriors/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bunbu ichi

BUNBU ICHI (Bunbu ichi - pen and sword as one) tila pluma'y kaytalas talaga sintalas ng kris o ng espada kayâ patuloy lang sa pagkathâ a...