Ang paalala sa kalsada
ANG PAALALA SA KALSADA bakit mo tatawirin ang isang lansangan kung tingin mo'y magdudulot ng kamatayan mayroon doong babala, sundin lang iyan pag nabundol ka ba'y kaylaking katangahan? huwag sayangin ang buhay, dapat mag-ingat huwag magyabang na malakas ka't maingat sasakya'y di lata, katawa'y di makunat bawat babala'y dapat ipagpasalamat di ba't kaylaking babala nang binasa mo ang "Bawal Tumawid. May Namatay Na Dito" madaling intindihin, wikang Filipino pag di mo unawa, banyaga ka ba rito? pag babala: "Bawal bumaba" , e, di huwag! pag babala: "Bawal lumiko" , e, di huwag! pag babala: "Bawal tumawid" e, di huwag! paano pag "Bawal umutot!" anong tawag? huwag maging tanga, huwag basta tumawid may tulay naman, dumaan doo'y matuwid kung nagmamadali ka, dapat mong mabatid na bawat paalala'y mag-ingat ang hatid - gregoriovbituinjr 11.06.2025