National Poetry Day, alay kay Jose Corazon de Jesus
NATIONAL POETRY DAY, ALAY KAY JOSE CORAZON DE JESUS
ang Pambansang Araw ng Pagtulâ
ay inalay sa tanging makatâ
Bayan Ko nga'y siya ang maykathâ
pati na ang tulang Manggagawà
kilala siyang Huseng Batutè
siya'y makatang nananatili
sa pusò ng bayan, na ang mithi
ay kagalingan ng buong lahi
O, Gat Jose Corazon de Jesus
bunying makatâ ng bayang lubos
ang mga tula mo'y tumatagos
sa pusò nitong masa'y hikahos
kaarawan mo'y tinalaga nga
na Pambansang Araw ng Pagtulâ
salamat, O, Dakilang Makatâ
sa pamana mong tagos sa madlâ
- gregoriovbituinjr.
11.24.2025
* isinilang ang dakilang makatang Jose Corazon de Jesus noong Nobyembre 22, 1894. Itinalagang National Poetry Day ang kanyang kaarawan noong 2022.
* litrato mula sa google

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento