Pasalubong pagsalubong
PASALUBONG PAGSALUBONG
naglalaway ang mga asong galâ
nagngiyawan naman ang mga pusà
habang nasa lunggâ ang mga dagâ
na nanahan sa ilalim ng lupà
nakita nilang ako'y may dalahin
tingin nila, ang dala ko'y pagkain
siyang tunay, na pawang tira lang din
na pasalubong ko sa alagain
natira sa ulam ay hinati ko
sa sumalubong na pusa at aso
may tirang karne, may tinik at ulo
ng tilapya, hati-hating totoo
madalas ganyan ako pag uuwi
dapat may pasalubong, hati-hati
bagamat minsan, wala akong uwi
sa kanilang ulam, kundi ngumiti
- gregoriovbituinjr.
11.23.2025
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1FoBNUY1mm/

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento