TULAMPATI SA IKASAMPUNG ANIBERSARYO NG CEED
taasnoong pagpupugay sa CEED
pagkat kalikasa'y di nabulid
sa pagkasira, inyong hinatid
ay pakikibakang aming batid
pinagtatanggol ang kalikasan
sinuri rin ng CEED ang lipunan
upang matiyak ang kaligtasan
ng katutubo at mamamayan
negosyo'y mapanira talaga
dulot ay maruming enerhiya
kalikasa'y winawaksi nila
kaya tayo'y dapat magkaisa
mula po sa maralitang hanay
muli, taospusong pagpupugay
sa CEED sa pagbaka n'yo't tagumpay
sigaw namin! mabuhay! mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
07.31.2026
* tulampati ng secgen ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na binigkas sa pagdiriwang ng CEED
* CEED - Center for Energy, Ecology and Development
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
ANG PITONG NOBELA NI FAUSTINO AGUILAR Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakabili ako noon ng aklat-nobelang Pinaglahuan ...
-
MAS LIGTAS DAW ANG TUBIG-GRIPO maniniwala ka ba sa sabi ng D.E.N.R. mas ligtas ang tubig-gripo kaysa tubig-mineral subalit ito'y aking n...
-
BAKAS may kurot sa dibdib sa gaya naming maralita na namumuhay ng marangal ngunit sinusumpa may kirot sa puso't tinuturing na hampaslupa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento