Biyernes, Marso 13, 2026

Sa ika-11 Black Friday Protest ng 2026

SA IKA-11 BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026

kay-init ng kanilang mga talumpati
laban sa imperyalismo at naghahari
dahil sa digmaan, nagtaasan ang presyo
ng pangunahing bilihin tulad ng krudo

di lang simpleng "Ikulong ang mga kurakot!"
kundi "Itigil ang panggigera ng buktot!"
sa ngalan ng imperyo ay nais manakop
ng Estados Unidos, bansa'y nilulusob

inuna nilang sakupin ang Venezuela
nais nilang isunod ang Greenland at Cuba
ngayon ay dinigma naman nila ang Iran
tumindi ang labanan sa Gitnang Silangan

malayo tayo, malayo ang Pilipinas
ngunit apektado tayo sa pandarahas
ng imperyalistang bansang nais maghari
sa mundo, dapat imoeryalismo'y mapawi

kapayapaan para sa buong daigdig
magkaisa nang imperyalismo'y madaig
labanan natin ang pandarahas ng impe
makataong sistema'y dapat ipagwagi

- gregoriovbituinjr.
03.13.2026 (Friday the 13th)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa ika-11 Black Friday Protest ng 2026

SA IKA-11 BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 kay-init ng kanilang mga talumpati laban sa imperyalismo at naghahari dahil sa digmaan, nagtaasan ang...