PLANETANG BIYO, IPINANGALAN SA PINAY NA GURÔ
ang Florian main-belt asteroid 13241 Biyo
na nadiskubre ng LINEAR sa Lincoln Lab's ETS
ay ipinangalan kay Guro Dr. Josette Biyo
ng Philippine Science High School System (PSHSS)
karangalan nang ipangalan sa isang planeta
ang gurong mahusay, biyolohista, siyentista
ganito'y pambihirang pagkakataon talaga
dangal ng lahi, sadyang dapat pagpugayan siya
siya'y ipinanganak sa Janiuay, Iloilo
at nakatapos sa UP Visayas sa Miag-ao
ng Bachelor's Degree in Biological Sciences
tinanggap pa'y maraming award sa larang ng agham
kay Dr. Josette Biyo, taasnoong pagpupugay!
ang iyong mga naiambag ay malaking bagay
para sa bansa't estudyanteng tinuruang tunay
salamat po, Dr. Biyo, mabuhay ka! MABUHAY!
- gregoriovbituinjr.
03.25.2026
* ulat mulâ sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Pebrero 10, 2026, p. 5
* dagdag na datos mula sa Wikipedia

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento