Sabado, Marso 7, 2026

Ang tatlo niyang punò

ANG TATLO NIYANG PUNÒ

natutunan niya noong siya'y bata pa
paanong pagtanim ng puno'y mahalaga
para sa kabuhayan ng kanyang pamilya
tulad ng alagang apitong, nara't mangga

iyon ang tatlo niyang punong pamana pa
ng di na niya naabutang lolo't lola
at inalagaan ng kanyang ama't ina
ang pangangalaga'y sa kanya naipasa

dahil sa sipag ng kanyang mga ninunò
mulâ binhi, tinanim, dinilig, lumagó
pamilya'y di nagutom, nanatiling buó
nakapag-aral sila't buhay ay nahangò

nabenta ang kahoy ng apitong at nara
punò ng mangga'y patuloy na namumunga
panibagong puno'y itinanim pa nila
para sa mga henerasyong susunod pa

- gregoriovbituinjr.
03.07.2026

* litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang sine hinggil sa Philippine-American War

DALAWANG SINE HINGGIL SA PHILIPPINE-AMERICAN WAR Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Kahapon, Marso 6, 2026, ay napanood ko ...