BOOKLET LAUNCHING NG ABANG MAKATÂ
di naman ako sikat na makatâ
upang puntahan ng obrero't dukhâ
o kaya'y ng nakararaming madlâ
na inuuna muna'y ang sikmurà
ngayon ay isa muling booklet launching
ng bagong libreto ng tulâ pa rin
sana, ang isang ito'y di langawin
kundi puntahan at ito'y dalawin
pinakikita lang ang katapatan
sa pagbaka para sa karapatan
at sa isyung hustisyang panlipunan
at katapatan din sa panitikan
nitong Disyembre sa booklet launching ko
ang dumating at sumuporta'y tatlo
sana lang sa launching ngayong Pebrero
may dumating kahit pito o walo
- gregoriovbituinjr.
02.20.2026 (World Day of Social Justice)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Binigkas sa QnA portion sa usaping political dynasty at partylist
BINIGKAS SA QnA PORTION SA USAPING POLITICAL DYNASTY AT PARTYLIST (madalian lang kaya magkakaiba ng tugma at bilang ng pantig) paano an...
-
SA SAMA-SAMANG PAGKILOS MAGTATAGUMPAY di ako naghihintay sa sinumang manunubos na di darating, laksa-laksa ang naghihikahos na obrero't ...
-
MAS LIGTAS DAW ANG TUBIG-GRIPO maniniwala ka ba sa sabi ng D.E.N.R. mas ligtas ang tubig-gripo kaysa tubig-mineral subalit ito'y aking n...
-
BAKAS may kurot sa dibdib sa gaya naming maralita na namumuhay ng marangal ngunit sinusumpa may kirot sa puso't tinuturing na hampaslupa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento