Panagimpan
PANAGIMPAN nanaginip akong tangan ang iyong kamay ngunit nagmulat akong wala palang hawak alas-tres ng madaling araw na'y nagnilay kung anong kahulugang sa isip naimbak aking sinta, mula nang ikaw ay pumanaw nahihimbing akong kayraming nalilirip nararamdaman ko pa rin ang pamamanglaw at sumasagi kang bigla sa aking isip narito akong ginagampanan ang misyon at tungkulin dito sa bayang sinumpaan batid kong ginagabayan mo ako ngayon na payo'y huwag pabayaan ang katawan di ko hahayaang ang masang umaasa ay maiwanan na lamang sa tabi-tabi salamat, sa panaginip ko'y dumalaw ka habang ako'y nagsisilbing tinig ng api - gregoriovbituinjr. 12.05.2025 * larawan mula sa google