Miyerkules, Oktubre 1, 2025

Paliligo sa hot spring

PALILIGO SA HOT SPRING

paliligo sa hot spring
ay gawaing magaling
makakatha'y masining
niring diwa kong gising

pinakapahinga ko
sa tambak na trabaho
sa buhay na magulo
ang paliligo rito

ginhawa'y naramdaman
ng pagod kong isipan
ng pagal kong katawan
ng patâ kong kalamnan

anong sarap sumisid
na kayganda sa litid
bawat ginhawang hatid
puso ang nakabatid

- gregoriovbituinjr.
10.01.2025

* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://fb.watch/Cs1qWA4Dy3/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagtaguyod sa kapwa makata't tulâ

PAGTAGUYOD SA KAPWA MAKATA'T TULÂ ‎ ‎itinataguyod ko ang kapwa makatâ ‎pati mga pinaghirapan nilang tulâ ‎ganyan ang adhikain ko't n...