Lunes, Oktubre 20, 2025

Bawang juice at salabat

BAWANG JUICE AT SALABAT

pagkagising sa madaling araw
ay nagbawang juice na't nagsalabat
habang nararamdaman ang ginaw
at sikmura'y tila inaalat

pampalakas ng katawan, sabi
sa dugo'y pampababa ng presyon
pinalalakas ang immunity
para rin sa detoksipikasyon

para talaga sa kalusugan
at panlaban din sa laksang pagod
nakatutulong maprotektahan
sa ubo't sipon, nakalulugod

upang sakit nati'y di lumalâ
upang katawan nati'y gumanda
ang anumang labis ay masamâ
kaya huwag uminom ng sobra

- gregoriovbituinjr.
10.20.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulawit

TULAWIT ‎ ‎itutulâ ko muna ‎saka ko aawitin ‎mga isyu ng masa ‎yaong gigitarahin ‎ ‎ang mga kaapihang ‎dinaranas ng dukhâ ‎bibigyang kasagut...