Huwebes, Hunyo 26, 2025

Ulap sa anyong wolfo

ULAP SA ANYONG WOLFO

tila ang ulap ay may anyong wolfo
di lobo na aakalaing balloon
napitikan lang ng kamera rito
habang namamahinga bandang hapon

ang taguyod ko'y wikang Filipino
na isa ko nang niyakap na misyon
tulad ng wolfo na pinapauso
upang ibahin sa lobo na balloon

animo'y wolfo ang aking nakita
na anyo ng naroong alapaap
na agad kong kinuhanan talaga
upang sa sining ay itulang ganap

tila wolfo'y nakatitig sa akin
gabayan ba ako'y kanyang tungkulin?

- gregoriovbituinjr.
06.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang siyam na kababaihang itinampok ng MET sa Buwan ng Kababaihan

ANG SIYAM NA KABABAIHANG ITINAMPOK NG MET SA BUWAN NG KABABAIHAN‎ Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong Linggo, Marso 1...