97-ANYOS, LALAHOK SA RAPID CHESS
edad na siyamnapu't pitong anyos
ay isa nang malaking gantimpala
iyon pa kayang lalaban kang lubos
sa chess, aba'y sadyang kahanga-hanga
pagpupugay sa iyo, Tatay Domeng
na tatlong taon pa'y sandaan ka na
ilalabas mo pa ang iyong galing
sa torneo ng chess sa Marikina
nawa'y makamit mo sa iyong edad
ang unang pwesto sa larangan ng chess
pag nagkampyon ka, tunay kang mapalad
lalo't laro ng utak ang ahedres
salamat, isa ka nang inspirasyon
upang tularan ka ng kabataan
maabot ang edad mo'y aking layon
kaya sa chess ako na'y ginanahan
- gregoriovbituinjr.
03.08.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Marso 7, 2025, p.12
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang...
-
SA SAMA-SAMANG PAGKILOS MAGTATAGUMPAY di ako naghihintay sa sinumang manunubos na di darating, laksa-laksa ang naghihikahos na obrero't ...
-
SA IKA-91 ANIBERSARYO NG BANTAYOG NI BONIFACIO SA CALOOCAN taos-pagpupugay ngayong Buwan ng Kasaysayan na Bantayog ni Bonifacio'y ipagpa...
-
MENSAHE SA PAYONG napakainit ng panahon, dama'y alinsangan sa isang mapagpalayang pagkilos sa Diliman nang matanaw ko ang nakapayong na ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento