Huwebes, Pebrero 13, 2025

Pagbabasa sa madaling araw

PAGBABASA SA MADALING ARAW

naalimpungatan akong sadya
nang may kumaluskos sa kusina
tila ba naglalaro ang daga
mula sa labas, nasok ang pusa

at di na rin ako nakatulog
pagkat nawala na rin ang antok
sa pagbabasa na lang uminog
ang mundo kong puno ng pagsubok

hanggang aklat ay aking nagalaw
nagbasa na sa madaling araw
libro na ang aking kaulayaw
dito'y may pag-asang natatanaw

ngunit nais ko pa ring umidlip
upang ituloy ang panaginip
kung saan ako'y may sinasagip
na sa tren ay muntik nang mahagip

- gregoriovbituinjr.
02.13.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang LPG at ang Wealth Tax

ANG LPG AT ANG WEALTH TAX ‎ ‎presyo ng LPG na'y sisirit ‎kada tangke, one thousand five hundred ‎mga mamamayang nagbu BUWIS ‎ay talaga n...