ANG MAKITA NG MAKATA
sa paligid ay kayraming paksa
samutsaring isyu, maralita,
dilag, binata, bata, matanda,
kalikasan, ulan, unos, baha
kahit mga karaniwang gawa
ng magsasaka at manggagawa
anumang makita ng makata
tiyak gagawan niya ng tula
tulad ng inibig niyang kusa
sinta, madla, tinubuang lupa
nasunugan, naapi, kawawa
tutula siyang puno ng sigla
pagkat buhay niya ang kumatha
at kakatha siyang buong laya
subalit di ang magpatirapa
sa mapang-api, tuso't kuhila
kung dapat, maghihimagsik sadya
upang hustisya'y kamtin ng madla
pluma niya'y laging nakahanda
maging ang katawan, puso't diwa
- gregoriovbituinjr.
11.30.2024
* kinatha sa ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres Bonifacio
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang...
-
SA SAMA-SAMANG PAGKILOS MAGTATAGUMPAY di ako naghihintay sa sinumang manunubos na di darating, laksa-laksa ang naghihikahos na obrero't ...
-
SA IKA-91 ANIBERSARYO NG BANTAYOG NI BONIFACIO SA CALOOCAN taos-pagpupugay ngayong Buwan ng Kasaysayan na Bantayog ni Bonifacio'y ipagpa...
-
BAKAS may kurot sa dibdib sa gaya naming maralita na namumuhay ng marangal ngunit sinusumpa may kirot sa puso't tinuturing na hampaslupa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento