Biyernes, Mayo 3, 2024

Lasenggero at lasenggo

LASENGGERO AT LASENGGO

anang ulat, kaybabata pa'y naging lasenggero
habang sa isang kolum, kaybabata ng lasenggo
ang nagsulat sa una sa wari ko'y Manilenyo
ang wika sa kolum ay lalawiganing totoo

kapwa salitang Tagalog subalit magkaiba
lasenggero't lasenggo'y pabata at pabata na
bagamat ulat ay nakababahala talaga
pagkat sa murang edad ay nagbabarik na sila

iba ang Tagalog-probinsya't Tagalog Maynila
sa lasenggero't lasenggo'y kita na nating sadya
bakit manginginom ay pabata na ng pabata
problema ba ng mga kabataa'y lumalala

ang isyung ito'y dapat tugunan at solusyunan
bago pa lumala't lumikha pa ng kaguluhan
ang lasenggero't lasenggo'y iba ang kaisipan
nawawala sa huwisyo pag nalangong tuluyan

* litrato mula sa pahayagang Pang-Masa, Mayo 2, 2024, pahina 2 at sa pahayagang Bulgar, Mayo 3, 2024, pahina 3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Di nagsisisi sa pagiging pultaym na tibak

DI NAGSISISI SA PAGIGING PULTAYM NA TIBAK di ako nagsisising naging aktibista bilang pultaym at makatang lingkod ng masa noon pa man ito...