"KARAHASAN, WAKASAN!" - ORIANG
"Karahasan, Wakasan!" ang panawagan ng Oriang
sa plakard na bitbit ay malinaw na makikita
ito'y mensaheng sa puso't diwa'y dapat malinang
nang karapata'y maipaglaban natin at nila
sadyang dapat wakasan ang anumang pandarahas
sa kababaihang kalarawan ng ating nanay
kaya dapat matayo ang isang lipunang patas
nagpapakatao't palakad ay sistemang pantay
iyon ay napapanahong mensaheng hindi kapos
kundi pangungusap na palaban, tagos sa diwa
na nananawagang tapusin ang pambubusabos
sa kababaihan, sa bata, dukha't manggagawa
mensahe iyong taaskamao nating yakapin
patuloy na mag-organisa, masa'y pakilusin
- gregoriovbituinjr.
03.10.2024
* litratong kuha ng makatang gala sa Araw ng Kababaihan, Marso 8, 2024, sa Morayta, Maynila
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Salamat sa aklat ng tulâ, kamakatâ
SALAMAT SA AKLAT NG TULÂ, KAMAKATÂ salamat sa aklat ng tulâ, kamakatâ dahil sa Buwan ng Sining , nagkitang sadyâ sa isang pagtatanghal, pag...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento