PANANALASA NI ULYSSES, NAGPALUBOG SA MGA LALAWIGAN NG CAGAYAN AT ISABELA Saliksik at sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nagmistulang dagat ang binahang mga lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses. Nakakakilabot habang pinapanood sa telebisyon. Paano kung tayo ang nasa kanilang kalagayan? Gutom, antok, pagod, dusa, sakripisyo, agam, mga negatibong karanasang animo’y bangungot. Ayon sa isang ulat, "Mula sa kanilang mga bubong, nanawagan ng tulong ang mga residente ng Cagayan Valley at Isabela matapos lumubog sa baha ang kanilang bahay - dahilan para idaan ng netizens sa social media ang panawagan na agarang pagsagip sa mga residente. Nasa state of calamity ngayon ang buong probinsiya ng Cagayan, kung saan 9 na ang kumpirmadong patay, apat dito ang natabunan ng landslide, dalawa ang nakuryente habang nagre-rescue, at tatlo naman ang nalunod." "Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, umagos ang tubig-ulan sa mga probinsiya ng Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, at Isabela sa ...
Sa daang matinik ng buhay "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din." ~ mula sa Kartilya ng Katipunan lalaki ang patnugot ng asawa't mga anak anang Kartilya upang pamilya'y di mapahamak ama ang haligi ng tahanan at ng mag-anak siya't tagaakay upang di malubog sa lubak ngunit sa ating panahon ngayon, di na lang ama binigyan na ng malaking papel ang mga ina tagaalaga ng anak, kusinera, maestra sila'y ilaw ng tahanan, nasa trabaho'y ama sa daang matinik ng buhay, dapat magtulungan upang ginhawa'y kamtin, di gaanong mahirapan ito'y payo't bilin sa Kartilya ng Katipunan basahin at isapuso ang bawat nilalaman mabuhay kayong aming nagisnang mga magulang inalagaan ninyo kami mula nang isilang tumanda na kayo't payo ninyo'y iginagalang upang sa tinahak na landas, kami'y makinabang ...
Ang mga bagyong Rolly at Ulysses Saliksik at sanaysay ni Greg Bituin Jr. Dalawang matitinding bagyo ang sumalanta sa bansa nito lamang unang dalawang linggo ng Nobyembre 2020. Ang bagyong Rolly ay tinatawag na super Typhoon Goni sa ibang bansa, at ang Ulysses naman ay Typhoon Vamco. Dumating ang bagyong Rolly, na ayon sa mga ulat ay kinatakutan dahil sa Category 5 na super-bagyo, na tinawag na "pinakamatinding tropical cyclone sa buong mundo noong 2020." Napakalakas nga nito ayon sa prediksyon. Mabilis itong humina, ngunit matapos manalasa ay nag-iwan ito ng pinsalang nakaapekto sa daan-daang libong katao, at puminsala sa libu-libong bahay. Nakakabigla rin ang pagdating ng bagyong Ulysses, na ayon sa ulat ay bagyong nasa Kategorya 2, subalit ang pinsalang iniwan nito'y mas laganap, at nagdulot ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura, nag-iwan ng 67 na patay, at higit sa 25,000 walang tirahan. Sadyang maiiyak ka kung ikaw ang tinamaan ng alinman sa dalawang bagyong ito...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento