Ngiti

NGITI

malambing at naglalambing
habang nagla-loving-loving
pagtawa'y tumataginting
kasiyahang tumitining

naroon lamang sa dibdib
ang pagsintang sadyang tigib
nananahan man sa liblib
ang pag-ibig ay pag-igib

patuloy na nagsisikap
upang di naman maghirap
kaharap man ay masaklap 
na danas ay di kukurap

may pag-asa, may pag-ahon
magdilim man ang panahon
laging maging mahinahon
sa problema'y may solusyon

- gregoriovbituinjr.
07.03.2022

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pananalasa ni Ulysses, nagpalubog sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela

Sa daang matinik ng buhay

Ang mga bagyong Rolly at Ulysses