Lunes, Hulyo 18, 2022

Kwentong lango

KWENTONG LANGO
tulang TAGAIKU (TAnaGA at haIKU)

i

"tagay pa, cheers, amigo!
magpakalango tayo!"
sabi ng lasenggero
sa katotong lasenggo

isip ay tikom
balewala ang gutom
basta may inom

ii

habang serbesa'y lasap
di siya kumukurap
na nilunod sa iglap
ang problemang kaharap

sugat ma'y antak
simot ang huling patak
ng nilalaklak

- gregoriovbituinjr.
07.18.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa mga kurakot ngayong Biyernes Santo (14th Black Friday Protest ng 2026)

‎SA MGA KURAKOT NGAYONG BIYERNES SANTO ‎ ‎sa mga kurakot, tuso, ‎buwitre't buwayang trapo: ‎kayong kawatan sa pondo ‎ng bayan, magsisi k...