PAGKANSELA AT HINDI
sigaw ng dukha: "Itigil ang kanselasyon
ng kontrata sa pabahay at relokasyon!"
sigaw ng isa pa: "Dapat na'y kanselasyon
ng ilehitimong utang ng bansa ngayon!"
dalawang panawagan, magkaibang isyu
na dapat maunawaan nating totoo
isa'y may bantang ebiksyon sa mga tao
isa'y ang pambansang utang na lumolobo
dalawang isyung dapat nating mapagnilay
na kinabukasan ang tatamaang tunay
isa'y hinggil sa karapatan sa pabahay
isa nama'y hinggil sa pabigat sa buhay
panawagang dapat tayong makibahagi
kundi'y walang bahay at bansa'y malulugi
tulungan ang mga dukhang maduduhagi
ilehitimong utang ng bansa'y mapawi
- gregoriovbituinjr.
08.11.2021
* litratong kuha ng makatang gala noong SONA 2021
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ibasura
IBASURA kalat sa lansangan, ibasura ilagay sa wasto ang basura nabubulok at di nabubulok paghiwalayin, di sinusunog ang mga mata'y ating...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento