Ang aklat ng haiku ni Rogelio G. Mangahas
ANG AKLAT NG HAIKU NI ROGELIO G. MANGAHAS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kayganda ng aking pakiramdam nang mabili ko ang aklat na "Gagamba sa Uhay, Kalipunan ng mga Haiku" ng makatang Rogelio G. Mangahas, na may salin sa Ingles ni Marne L. Kilates. Animo'y isang gintong aklat ang aking napasakamay. Nabili ko iyon sa National Book Store sa Malabon City Square, sa Letre, Malabon noong Hunyo 14, 2023, sa halagang P250.00. Inilathala iyon ng C & E Publishing noong 2006. Umaabot ng 183 pahina, na kung idaragdag ang 34 pahinang naka-Roman numeral, dahil sa Liham ng May-akda, Translator's Note, at Introduksyon ni national artist Rio Alma, ay 217 pahina lahat. Nasa 270 haiku ang nasulat ni Mangahas, kaya 270 haiku rin ang isinalin ni Kilates. Bawat haiku ay may nakatalagang numero. Nahahati sa pitong bahagi ang mga ito, kung saan pinamagatan niya ang nilalaman ng Mga Uhay ng Haiku : 1. Tutubi sa Tukal - Haiku 1-32 (32 haiku) 2. Hiyaw sa Kalaw - Hai
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento