tanong ng pamangkin ko, bakit notbuk pa'y dala ko?
sa loob ng kubeta gayong maliligo ako
sagot ko, baka may maisip, isulat na ito
panahon din ng pagkatha ang pag-upo sa trono
binasa ko sa kanya ang tula ko sa pagkusot
na sa sinumang babasa'y di ko ipagdaramot
marahil ganyan talaga ang utak ko kalikot
kumakatha sa anumang sitwasyon sa palibot
kahit umaandar ang dyip, kwaderno't pluma'y handa
upang isulat yaong biglang pumasok sa diwa
sa L.R.T. man, barko o eroplano'y kakatha
sa anumang lugar, ang pluma ko'y magsasalita
ganyan nga, na kahit sa kubeta'y dala ang notbuk
upang uriratin ang mga dinanas at dagok
upang usisain bakit may mga di maarok
upang isulat ang samutsaring laman ng tuktok
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Una Pahalang: Binibigkas ng makatâ
UNA PAHALANG: BINIBIGKAS NG MAKATÂ salamat sa unang tanong, nakatutuwâ dahil aking pagkatao ang binabadyâ una pahalang pa lang, sagot k...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento