O, HARING PRANING
O, Haring Praning, nakadroga ka na naman po ba?
Hirap ka na ba't nais mo pang patayin ang masa?
Ang magrali dahil sa gutom ba'y kasalanan na?
Rinig mo ba, Haring Praning, ang mga daing nila?
Ikaw ang nagsabing ang sarili'y i-kwarantina
Na gobyerno'y bahala sa pagkain at pag-asa
Gayong nauubos din ang pagkain at pasensya
Pagkat nagugutom na'y lumabas na ng kalsada
Ramdam mo rin ba ang gutom na dinaranas nila?
Ah, marahil hindi, kaya ganyan ka kung umasta
Nakaupo ka sa trono habang gutom ang masa
Ikaw ay bundat, sa gutom magkakasakit sila!
Ngayong nagpahayag lang sila'y papatayin mo na?
Galing mo, praning ka nga, sa trono'y bumaba ka na!
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nginatngat na takip ng bote
NGINATNGAT NA TAKIP NG BOTE nakita kong tanggal / ang takip ng bote ng mantikà, at may / ngatngat na ang tapón sino'ng sanhi? bakit...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento