Preskong umaga
sa umaga'y kay-agang gumising
mula sa masarap na paghimbing
lalo't sa iyo'y may naglalambing
na tila bituing nagniningning
salubungin natin ang umaga
na sa puso'y may bagong pag-asa
na sa kabila ng kwarantina
ay di pa rin tayo nagdurusa
lasapin mo ang hanging amihan
damhin sa puso't nakagagaan
kayganda pa nito sa katawan
at nakalilinaw ng isipan
gigising na bandang alas-sais
at sa paligid na'y magwawalis
mag-eehersisyo, maglilinis
at kung may kalat ay mag-iimis
magsasaing na ri't magluluto
ng gulay, itlog, hawot na tuyo
at matapos nito'y maliligo
preskong umaga, walang siphayo
- gregbituinjr.
Huwebes, Abril 16, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Batang edad 9, patay sa gulpi
BATANG EDAD 9, PATAY SA GULPI karumaldumal, karima-rimarim yaong sinapit ng magkakapatid sa kamay ng di kilalang salarin ang bĂșhay ng bunso...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento