tinititigan ko ang mga bituin sa gabi
nakatunganga sa langit, tila di mapakali
nasaan kaya ang Big Dipper o Alpha Centauri?
at nasaan din ang Orion's Belt na sinasabi?
mas mainam yata kung may sariling teleskopyo
marahil ay tulad ng ginamit ni Galileo
sumusulpot ba ang bulalakaw minu-minuto?
o matagal-tagal na panahong hintayan ito?
marahil malayo-layo pa'y aking tatahakin
upang pag-aralan ang buhay ng mga bituin
suriin di lang daigdig kundi kalawakan din
mga buntala ba'y sa araw umiikot pa rin?
ang mga bituin sa gabi'y tala sa umaga
subalit dahil sa araw ay di natin makita
noon pa hanggang ngayon, bituin ay nariyan na
gabay ng mandaragat, sa karimlan ay pag-asa
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa paglubog ng araw
SA PAGLUBOG NG ARAW sa paglubog ng araw, kami'y liwanag sa gabi huwag ituring na malamlam na ilaw sa poste kahit inuuban na, kami ...
-
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon a...
-
MALING TANONG, KAYA WALANG TAMANG SAGOT Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa nakaraang palaisipang Aritmetik, petsang Mars...
-
NAKALILIBANG NA PALAISIPANG ARITMETIK Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Maliban sa dalawang Tagalog krosword, sudoku at ha...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento