kaylakas ng bagyo'y kumakatha
habang naglalaro yaring diwa
habang tinititigan ang baha
habang paligid ay basang-basa
palutang-lutang ang mga plastik
at naglaglagan ang bungang hitik
mga basurang puno ng putik
ang sa isipan ay tumititik
basang-basa ang buong sampayan
luray-luray ang nasa isipan
kinatha'y di mo basta matingnan
baka mabasa'y sinapupunan
kaytindi ng bagyong nagngangalit
pati diwa ng mamang makulit
kinakatha ang mga pasakit
upang sa papel ay ibunghalit
pagkabagyo'y puno ang alulod
habang lumilikha ng taludtod
sa saknong ay itinataguyod
ang kaisahang di naaanod
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Trapo at basahan
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...
-
MAS LIGTAS DAW ANG TUBIG-GRIPO maniniwala ka ba sa sabi ng D.E.N.R. mas ligtas ang tubig-gripo kaysa tubig-mineral subalit ito'y aking n...
-
ANG PITONG NOBELA NI FAUSTINO AGUILAR Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakabili ako noon ng aklat-nobelang Pinaglahuan ...
-
SA SAMA-SAMANG PAGKILOS MAGTATAGUMPAY di ako naghihintay sa sinumang manunubos na di darating, laksa-laksa ang naghihikahos na obrero't ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento