Mga Post

Pasasalamat at pagpupugay sa mga kasama!

Imahe
PASASALAMAT AT PAGPUPUGAY SA MGA KASAMA! mabuhay kayo, mga kasama! sa ginanap nating talakayan bagamat may kaunting problema ay nagawan naman ng paraan mabuhay lahat ng nagsidalo upang sadyang pag-usapan doon ang tatama't nagbabagang isyu lalo na ang bantang demolisyon Republic Act 12216 nga sa bahay nati'y magdedemolis may police power na ang NHA na tayo'y talagang mapaalis ang forum natin ay matagumpay unang bira sa nasabing batas pagkakaisa'y higpitang tunay laban sa batas na hindi patas salamat po sa partisipasyon mula CHR hanggang NHA maglakad man ay nakakapagod iyon po'y kinaya nating tunay subalit di pa tapos ang laban hangga't di pa naibabasura iyang tinik na batas na iyan sa karapatan ng bawat isa - gregoriovbituinjr. 09.13.2025 * ginanap ang forum ng Alyansa ng Maralita para sa Katiyakan sa Paninirahan (AMKP), Setyembre 11, 2025, sa Commission on Human Rights (CHR) mula 8am-12nn, at nagmartsa mula CHR hanggang National Housing Authority (NHA) at nagdao...

Walong titik na palimbagan

Imahe
WALONG TITIK NA PALIMBAGAN paano kaya ang walong titik sa librong tila kasabik-sabik? malathala kaya'y aking hibik kung magpasang di patumpik-tumpik? - gregoriovbituinjr. 09.13.2025 * kuha sa Manila International Book Fair 2025

Almusal

Imahe
ALMUSAL NA GULAYIN talbos ng kamote at okra payak na almusal talaga sibuyas, bawang, at kamatis na isinawsaw ko sa patis habang katabi ang kwaderno upang isulat ang kung ano nageehersisyo din naman upang lumakas ang katawan bihira muna ang magkanin kaya gulay lang itong hain sa ganito'y nakatatagal kahit maghapon pang magpagal - gregoriovbituinjr. 09.10.2025

Palakad-lakad sa kawalan

Imahe
PALAKAD-LAKAD SA KAWALAN palakad-lakad lang ang makatang tulala bagamat nakaiiwas sa mga baha palakad-lakad, maganda raw ehersisyo sabi ng mga atletang nakausap ko palakad-lakad man subalit nagninilay pinaglilimian ang mga bagay-bagay buti't di nahuhulog sa manhole o kanal palakad-lakad bagamat natitigagal ang makatang palakad-lakad sa kawalan kung matulin pag natinik ay malaliman ika nga ng kasabihan ng matatanda kaya sa paglalakad, huwag matulala salamat, salamat sa inyong mga payo upang lakad ay diretso, di biglang liko - gregoriovbituinjr. 09.10.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/19mEmf13aZ/  

Sa ika-3 death monthsary ni misis

Imahe
SA IKA-3 DEATH MONTHSARY NI MISIS hanggang ngayon, puso'y humihikbi ngunit pagsinta'y nananatili pagkawala niya'y anong sidhi tila ako'y nawalan ng sanhi upang mabuhay, subalit hindi di dapat mawalan ng pag-asa balang araw nama'y magkikita sa kalangitan nitong pagsinta ngunit malayo pa, malayo pa abala pa kapiling ng masa mamaya na naman, nasa rali magtatalumpati, laging busy tula sa masa't sa'yo, Liberty ay aking kinakatha parati love you pa rin, mahal kong Liberty - gregoriovbituinjr. 09.11.2025

Coal at korapsyon, wakasan!

Imahe
COAL AT KORAPSYON, WAKASAN! kaylinaw ng sigaw / nitong mamamayan na  "coal at korapsyon, / wakasan! wakasan!" sapagkat pahirap / sa madla, sa bayan taksil na kurakot / ay imbestigahan! buwis pa ng bayan / yaong kinurakot ng trapo't contractor, / ay, katakot-takot ghost flood control project / ang ipinaikot buwis nati'y parang / batong hinahakot DPWH / ay walang ginawa kundi kurakutin / ang yaman ng bansa Departamento ng / Puro Walang Hiya sila pala'y sanhi / ng maraming baha coal pa'y isang sanhi / ng nagbagong klima ang fossil fuel pa'y / lalong nagpabaga one point five degrees ba'y / ating naabot na? ah, coal at korapsyon / dapat wakasan na! - gregoriovbituinjr. 09.10.2025 * bidyong kuha sa rali mula Bonifacio Shrine (tabi ng Manila City Hall) patungong Mendiola, Maynila, Setyembre 9, 2025 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/1QSWxepE8q/  

21 makasalanan / 21 kasalanan

Imahe
21 MAKASALANAN / 21 KASALANAN dalawampu't isang solon yaong pinangalanan sa flood control scam ngayo'y iniimbestigahan manyak na may dalawampu't isang kasong rape naman ay nadakip matapos magtago ng ilang buwan ah, walang forever, kahit may Forever Twenty-One dalawampu't isang kongresman, ayon sa balita ang sangkot sa anomalya ng flood control at sigwa nakinabang habang masa'y dumaranas ng baha buti ang mayamang kontraktor, sila'y itinuga dapat lang managot ang napatunayang maysala - gregoriovbituinjr. 09.09.2025 * ulat mula sa pahayagang Remate, Setyembre 9,2025, tampok na balita (headline) at pahina 2 at 3