ayoko sa salitang "wala akong pamasahe"
kaya di ka makakadalo sa pulong, kumpare
ang pulong ay pulong, daluhan mo dito o dine,
doon o saanman, paghandaan mo ang sinabi
"wala akong pamasahe'y" huwag mong idahilan
ang pulong ay pulong, paghandaan ito't daluhan
ang araw na iyon ang itinakda ng samahan
mahalagang usapan, huwag mong ipagpaliban
para sa pamasahe, simulan mo nang mag-ipon
upang madaluhan ang pulong, malayo man iyon
tayahin ang gastusin kung ikaw ay paparoon
upang di kapusin sa iyong gugugulin doon
sa bawat tinakdang pulong, may pananagutan ka
hinalal ka ng kongreso, may posisyon, halal ka
kaya pagdalo sa pulong dapat asahan mo na
responsibilidad mong dumalo roon, kasama
kakapusan sa pamasahe'y huwag idahilan
agahan ang paglalakad kung kinakailangan
maglakad ka na ngayon upang pulong ay abutan
kung ayaw, pulos dahilan; kung gusto, may paraan
- gregbituinjr.
Biyernes, Disyembre 27, 2019
Huwebes, Disyembre 26, 2019
Ang tariya
ANG TARIYA
aba'y ano ang tariya sa ating pulong ngayon?
tinatanong ng kasama ang adyenda ng pulong
may salita naman palang katumbas ang "adyenda"
na mula sa salitang Waray, ito'y ang "tariya"
halina't gamitin ang sariling salita natin
itong wikang Filipino'y atin pang pagyabungin
tara, gamitin ang tariya sa organisasyon
upang maayos nating matupad ang nilalayon
"The agenda of our meeting today is..." ang bilin
"Ang tariya ng ating pulong ngayon ay..." ang salin
kailangan ang tariya sa bawat nating pulong
upang magawa ang plano't matiyak ang pagsulong
- gregbituinjr.
* TARIYA - pagtatakda ng gawain (Waray), - sa wikang Ingles ay AGENDA,
- mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1232
aba'y ano ang tariya sa ating pulong ngayon?
tinatanong ng kasama ang adyenda ng pulong
may salita naman palang katumbas ang "adyenda"
na mula sa salitang Waray, ito'y ang "tariya"
halina't gamitin ang sariling salita natin
itong wikang Filipino'y atin pang pagyabungin
tara, gamitin ang tariya sa organisasyon
upang maayos nating matupad ang nilalayon
"The agenda of our meeting today is..." ang bilin
"Ang tariya ng ating pulong ngayon ay..." ang salin
kailangan ang tariya sa bawat nating pulong
upang magawa ang plano't matiyak ang pagsulong
- gregbituinjr.
* TARIYA - pagtatakda ng gawain (Waray), - sa wikang Ingles ay AGENDA,
- mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1232
Palabra de onor
saanmang sulok ng daigdig ay may kasabihan
may palabra de onor kahit pa nabilanggo man
may palabra de onor din kahit magnanakaw man
may isang salitang tutupdin, tapat sa usapan
may palabra de onor din kahit mga birador
ngunit iba'y ayaw tupdin ang palabra de onor
pag walang nakitang pupuntahan ay nagtatraydor
iba'y dahil may ibang sa kanila'y nagmomotor
ito'y dahil walang isang salita ang kausap
matatag, usapang matino pag iyong kaharap
ngunit sila'y agad nagbabago sa isang kurap
palabra de onor ay nawala sa isang iglap
akibat ng palabra de onor ay pagkatao
anumang lumabas sa bibig mo'y panindigan mo
bawat sinasalita'y inilalarawan tayo
maging tapat sa usapan upang walang perwisyo
- gregbituinjr.
may palabra de onor kahit pa nabilanggo man
may palabra de onor din kahit magnanakaw man
may isang salitang tutupdin, tapat sa usapan
may palabra de onor din kahit mga birador
ngunit iba'y ayaw tupdin ang palabra de onor
pag walang nakitang pupuntahan ay nagtatraydor
iba'y dahil may ibang sa kanila'y nagmomotor
ito'y dahil walang isang salita ang kausap
matatag, usapang matino pag iyong kaharap
ngunit sila'y agad nagbabago sa isang kurap
palabra de onor ay nawala sa isang iglap
akibat ng palabra de onor ay pagkatao
anumang lumabas sa bibig mo'y panindigan mo
bawat sinasalita'y inilalarawan tayo
maging tapat sa usapan upang walang perwisyo
- gregbituinjr.
Miyerkules, Disyembre 25, 2019
Ang limang anak ni Gat Andres Bonifacio
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO
Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bonifacio ay may isa siyang anak sa kanyang asawang si Gregoria de Jesus, subalit ito'y namatay.
Subalit may apat pang anak si Gat Andres Bonifacio. Kung mayroon nga, nasaan na kaya sila? May mga apo kaya ang mga anak niyang ito na nabubuhay sa ngayon?
Bukod kay Gregoria de Jesus o Oriang, may iba pang babaeng nakaugnayan ni Andres Bonifacio, kung saan nagkaroon siya ng anak sa mga ito. Ito'y malinaw na itinala ni Jose P. Santos sa kanyang aklat na "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" sa pahina 3 at pahina 5. Narito ang tala:
"Ang unang niligawan ni Andres Bonifacio ay isang babaeng nagngangalang Monika at taga-Palomar, Tondo, na ayon sa mga nakakakilala ay may katutubong kagandahan din naman. Nagkaibigan sila at nagsamang parang tunay na mag-asawa. Si Monika ay namatay sa sakit na ketong. Nagkaroon dito ng tatlong anak si Andres Bonifacio na hindi naman malaman kung buhay pa o patay na."
"Ang ikalawang kinasama at pinakasalan ni Andres Bonifacio ay nagngangalang Dorotea Tayson. Ito ay hindi rin nababanggit sa mga kasaysayan niyang nagsilabas na. Nang mamatay ito ay napakasal uli kay Gregoria de Jesus na siyang nakasama niya sa pamumundok at nakahati sa kahirapan."
"Noong 1894 o 1895, si Andres Bonifacio ay nagtungo sa Libog, Albay, kasama ang mananaysay na amerikanong si John Foreman na isa sa kanyang matalik na kaibigan at kapalagayang loob. Sinasabi ni Dr. Jose P. Bantug na siya kong pinagkakautangan ng mga ulat na ito, na si Andres Bonifacio ay nagkaroon doon ng kasintahan na nagngangalang Genoveva Bololoy at dito'y nagkaroon siya ng isang anak na babae na pinanganlang Francisca. Nang makilala ni Andres Bonifacio si Genoveva ay tumutuntong lamang ito (ang babae) sa gulang na 22 taon. Maging ang ina at ang anak ay kapuwa buhay pa, ayon kay Dr. Bantug. Si Francisca ay naninirahan ngayon sa Irosin, Sorsogon at makalawang magkaasawa, ang una'y namatay at ngayo'y muling napakasal kay Roman Balmes."
Libog ang dating pangalan ng bayan ng Santo Domingo ngayon sa Albay, na kaiba sa bayan ng Libon, sa Albay din.
Walang nabanggit sa nasabing aklat na may anak si Andres Bonifacio kay Gregoria de Jesus. Subalit sa ulat ng GMA Network, ayon umano sa historyador na si Xiao Chua, "Bukod sa kasal sa simbahan sa Binondo, nagpakasal din sina Andres at Gregoria sa ritwal ng Katipunan kung saan kinilala ang kaniyang maybahay bilang "Lakambini" ng Katipunan. Nagkaroon ng anak na lalaki sina Andres at Gregoria pero namatay din sa sakit nang bata pa."
Sa madaling sabi, lima ang naging anak ni Gat Andres Bonifacio: tatlo kay Monika, walang nabanggit na anak kay Dorotea Tayson, isa kay Genoveva Bololoy, at isa kay Gregoria de Jesus.
Mga Pinaghalawan:
aklat na "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" ni Jose P. Santos, nalimbag noong 1935
Muling panunumpa
di pa nagaganap ang kaginhawahan ng bayan
na adhika noon ng Supremo ng Katipunan
ngayon, muli akong nanunumpa ng katapatan
babaguhin ang bulok na sistema ng lipunan
- gregbituinjr.,12/25/2019
na adhika noon ng Supremo ng Katipunan
ngayon, muli akong nanunumpa ng katapatan
babaguhin ang bulok na sistema ng lipunan
- gregbituinjr.,12/25/2019
Ipinaglalaban ko'y kaginhawahan ng bayan
"Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas, sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan." ~ mula sa akdang "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" ni Gat Andres Bonifacio
ipinaglalaban ko'y kaginhawahan ng bayan
ito ang prinsipyo ko't panata sa sambayanan
na dapat kong tupdin hanggang sa aking kamatayan
kumikilos para sa pagbabago ng lipunan
dapat kitang kumilos laban sa pambubusabos
dayuhan man at kababayang sanhi ng hikahos
dahil sa pagsasamantala, mga dukha'y kapos
suliranin ng masa'y dapat na nating matapos
dudurugin ang ugat ng maraming kaapihan
noon, sinasabing mga dayuhan ang kalaban
ngayon, sinuri ang problema nitong pamayanan
pribadong pag-aari ang ugat ng kahirapan
pag-aralan ang lipunan, kausapin ang masa
at durugin ang sanhi ng hirap at pagdurusa
patuloy tayong mag-organisa, mag-organisa
at magsikilos nang kamtin ng bayan ang ginhawa
- gregbituinjr.,12/25/2019
Martes, Disyembre 24, 2019
Tanaga sa Pagtatapos ng Taon
TANAGA SA PAGTATAPOS NG TAON
huling araw ng taon
di man lang maglimayon
magdamag at maghapon
ay nagrerebolusyon
magtiwala ka lamang
sa ating pamunuan
at tayo’y magtulungan
tungkulin ay gampanan
nawa’y maging parehas
ang palakad ng batas
wala nang pandarahas
at walang inuutas
buhay ay ipagtanggol
laban sa gago’t ulol
huwag dinggin ang sulsol
kung buhay ay puputol
maralitang iskwater
tinokhang at minarder
ng haring ala-Hitler
at naroon sa poder
pantaong karapatan
hustisyang panlipunan
ang kinakailangan
ng ating mamamayan
obrero’y kumakayod
araw-araw ay pagod
pamilya’y tinaguyod
kaybaba na ng sahod
nang binaril ng punglo
ay nabasag ang bungo
ang pumaslang na dungo
dapat lang mabilanggo
- gregbituinjr.
* Nalathala ang tulang ito sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Disyembre 16-31, 2019, pahina 20
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
ANG PITONG NOBELA NI FAUSTINO AGUILAR Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakabili ako noon ng aklat-nobelang Pinaglahuan ...
-
MAS LIGTAS DAW ANG TUBIG-GRIPO maniniwala ka ba sa sabi ng D.E.N.R. mas ligtas ang tubig-gripo kaysa tubig-mineral subalit ito'y aking n...
-
LAGASLAS NG ILOG kaysarap pakinggan ng lagaslas ng tubig sa dinaanang ilog sa kalikasang aming nilandas na laksa ang tutubi't bubuyog ba...





