Apat na aklat sa unang linggo ng Oktubre
APAT NA AKLAT SA UNANG LINGGO NG OKTUBRE Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa unang linggo pa lang ngayong Oktubre 2024 ay nagkaroon na agad ako ng apat na aklat, mga collector's item at pandagdag sa aking aklatan. Tatlo rito ang pampanitikan at isang pang-ideyolohiya. Oktubre 2. Ang una'y handog ni misis sa akin upang mas mapaunlad ko pa ang aking pagsusulat. Iniregalo niya sa aking kaarawan ang aklat na On Writing ng batikang manunulat na si Stephen King . Una kong nabasa si Stephen King dalawang dekada na ang nakararaan - sa kanyang nobelang Pet Sematari . Maganda ang paglalarawan, kaya ninais ko ring maging kwentista balang araw, at ngayon nga ay nagsusulat ako ng maikling kwento sa pahayagang Taliba ng Maralita. Oktubre 4. Ang ikalawa at ikatlong aklat ay mula sa dinaluhan kong General Assembly ng Green Convergence sa Environmental Science Institute (ESI) ng Miriam College . Habang nagbobotohan para sa apat na kataong dagdag sa pito kataong Executive